Larawan mula sa LGU Abrolan

ABORLAN, Palawan — Nagsagawa ng groundbreaking ceremony ang pamahalaang bayan ng Aborlan para sa pagtatayo ng gusali ng Gender and Development (GAD) operation center sa Barangay Ramon Magsaysay noong Miyerkules, Enero 13.

Ang groundbreaking para sa proyekto na nagkakahalaga ng humigit kumulang P13 million ay pinangunahan ni Aborlan Mayor Celsa B. Adier. Ang nasabing gusali ay may dalawang palapag at kumpleto sa iba-ibang pasilidad katulad ng 17 office rooms, tatlong guest rooms, isang function hall, isang conference room, at 23 comfort rooms.

Ayon kay Mayor Adier, ang GAD Operation Center ay magsisilbing gusali para sa iba-ibang aktibidad ng bayan ng Aborlan para sa mga kababaihan at sa lahat ng marginalized sector at ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

“This building is to empower women and our other sectors. Para po talaga ito sa kanila. Kung titingnan natin napakalaking building ito,17 office rooms. Natutuwa tayo na may magagamit na tayo,” pahayag ni Adier.

“Sa tulong din po ito ng ating maliit na pondo upang maisakatuparan pa natin ang mga proyektong katulad nito na kailangan ng ating mga nasa GAD, mga kababaihan at marami pang iba,” dagdag niya.

Ang pagtatayo ng nasaning gusali ay sisimulan din ngayong buwan ng Enero.

 

 

Previous articlePuerto Princesa City prepares for 2nd semester roll out of mass vaccination
Next articleSix home decor tips to attract luck in 2021
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.