Ang mga bicycle rider na lumahok sa Lakbay San Vicente Fun Ride noong Linggo, December 5, 2021. (Photo by Choi Estoya)

[UPDATED] SAN VICENTE, Palawan — Labing anim na siklista ang nakilahok sa tatlong oras na fun ride laban sa iligal na droga kahapon, December 5, sa bayan na ito sa ilalim ng “Lakbay San Vicente Fun Ride” na may temang “Siklista Kontra Droga”.

Ito ay bahagi ng programa ng lokal na pamahalaan ng San Vicente na nakatuon sa mga kabataan at mga persons who used drugs o PUWDs.

Ang tatlong oras na fun ride ay programa ng San Vicente LGU sa ilalim ng pamuumo ni Mayor Amy Roa Alvarez na nakatutok sa kabataan, mga may kapansanan, at mga organizations na willing magbigay ng oras bilang suporta sa anti-illegal drugs campaign ng bansa.

“Napapaloob ito sa ating Peace and Order and Public Safety Plan na we address ang problema sa illegal drugs at mapanatili ang ating LGu na drug-cleared Municipality,” pahayag ni Orlando Estoya hepe ng San Vicente Municipal Disaster Risk Reduction and Manageemnt Office (MDRRMO).

“Ito ay three-hour activity lang ng fun bike ride starting from Alimanguan gym going to Iglesia ni Cristo sa Landing New Agutaya, down to Poblacion Gym,” dagdag pa ni Estoya

Hinihikayat ni Estoya ang iba pang kabataan, maging ang ibang mga sektor na makiisa sa susunod na mga aktibidad patungkol dito.

Aniya, ito ay isang paraan para maituon ang enerhiya ng mga residente sa tamang gawain at hindi sa paggamit ng iligal na droga

“This activity is one of San Vicente LGU’s anti-illegal drugs campaigns in collaboration with the PNP, PDEA, MSWD, MPSEP-MDRRMO, and Mayor’s Office,” ayon pa sa kanya.

About Post Author

Previous articleMangalok sa Magsaysay
Next article30-ft Christmas ‘tree of hope’ pinailawan sa bayan ng Taytay
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.