Umabot na sa mahigit 5,500 residente ng bayan ng Rizal ang fully vaccinated batay sa consolidated data na inilabas ng Municipal Health Office (MHO) ngayong araw ng Martes, November 2.

Sa huling linggo ng Oktubre, umabot sa kabuuang 5,544 ang nabakunahan ng AstraZeneca, Janssen at Sinovac brands mula nang isagawa ang vaccination rollout simula noong buwan ng Hulyo hanggang huling linggo ng Oktubre.

Ito ay matapos na mabakunahan ang 478 residente nitong nagdaang buwan ng September-October na nadagdag sa naunang bilang na 5,066 fully vaccinated noong buwan ng Hulyo at Agosto.

Ayon kay Dr. Kathreen Stephanie Luz Micu, municipal health officer, tatlong vaccine brands lamang ang nagamit ng munisipyo ng Rizal mula nang sinimulan ang mass vaccination sa munisipyo.

- Advertisement -

Dagdag niya, maliban dito ay may mga nakatakda pa ring bigyan ng second dose ng bakuna ngayong buwan.

“Mayroon tayong 7,142 indibidwal na nabigyan ng first dose as of October 22 at magse-second dose na rin sila,” pahayag ni Micu.

Maliban dito ay magsasagawa rin ng first dose at second dose vaccination ng Sinovac ang MHO sa Barangay Iraan ngayong November 3, at Brgy. Candawaga sa November 5.

Samantala, iniyahag din ni Micu na sa darating na November 15 ay nakatakda rin silang magbigay ng 1st dose ng Pfizer vaccine para sa 1,000 indibidwal sa Barangay Punta Baja.

“Sa may kakayahang pumunta ng municipal gym ng Punta-Baja sa November14, maari lamang magpalista sa inyong mga Barangay Health Workers upang mapabilang sa mabibigyan ng first dose ng Pfizer,” aniya.

Ayon kay Micu, maituturing ng ligtas at malayo sa panganib ng COVID-19 ang bayan sa sandaling maabot na nito ang 70 percent target herd immunity ng kabuuang 56,000 populasyon ng bayan.

Paalala rin ng doktor, panatiliin ang pagsunod sa health and safety protocols laban sa banta ng virus lalo pa at nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) status ang lalawigan ngayong buwan ng Nobyembre.

Previous articleLPA dumps rains over Palawan
Next articleNo human rights violated in rescue of minors in Roxas – 3MBde
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.