(PN File)

SOFRONIO ESPAÑOLA – Umabot na sa 12,431 ang kabuuang bilang ng fully vaccinated laban sa COVID-19 na residente ng bayan na ito, batay sa huling inilabas na datos ng Municipal Health Office (MHO) noong araw ng Huwebes, Abril 28.

Ayon kay Dr. Rhodora Tingson, municipal health officer, mahigit 5,000 indibidwal ang nakakumpleto ng kanilang bakuna noong Disyembre 2021 hanggang Abril 2022 ang nadagdag sa bilang na mahigit 7,000 simula nang isagawa ang pagbabakuna noong 2020.

Dagdag ni Tingson, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang kanilang pagbibigay ng bakuna sa siyam na barangay ng bayan.

Samantala, 963 naman na indibidwal ang maituturing na partially vaccinated o nakakatanggap ng first dose pa lamang na bakuna sa mga buwan ng Marso at Abril.

“Mula sa bilang ng fully vaccinated ay mayroon namang 616 individual na nabigyan na ng booster shot,” pahayag ni Tingson.

Panawagan din ni Tingson sa mga nais magpabakuna na magtungo lamang sa Rural Health Unit (RHU) o sa mga Barangay Health Center upang malaman ang mga schedule ng mga isinasagawang vaccination.

Target na mabakunahan ng MHO ang 70 percent ng mahigit 36,000 na kabuuang populasyon ng bayan upang maabot ang herd immunity laban sa COVID-19.

Previous articleACE Medical Center chemo facility offers more than just cancer treatment
Next articleFinal testing ng mga VCM sa S. Española nakatakda sa Mayo 4
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.