PN File Photo

Umabot na sa 3,200 ang bilang ng residente ng bayan ng Aborlan ang fully-vaccinated ngayong buwan ng Setyembre mula sa consolidated data ng Municipal Health Office (MHO).

Ayon kay Dr. Fidel Salazar, municipal health officer, ang bilang ay nabigyan na ng kumpletong doses ng Sinovac at Moderna at ng Janssen, simula buwan ng Hulyo nang simulan ang vaccination roll-out para sa health frontliners, senior scitizen at iba pang residente na nasa priority list.

Ani Salazar, mayroon pang mga nasa priority list na nakatakdang bakunahan para sa kanilang second dose ngayong buwan ng Setyembre hanggang oktubre.

“So far tatlong brand lang naman ang nagamit natin sa bayan ng Aborlan. Mayroon pang mga second dose na nag-aantay ngayong buwan, at tuloy-tuloy lang ito depende sa supplies natin,” pahayag ni Salazar.

- Advertisement -

Dagdag niya,, 75 porsyento ng populasyon ng bayan na nasa 38, 736 ang kanilang target na mabakunahan sa buong bayan para maabot ang herd immunity upang labanan ang nakakahawang sakit na COVID-19.

Paalala naman niya sa mga fully vaccinated na, patuloy pa ring mag-ingat at sumunod sa health and safety protocols katulad ng pagsusuot ng facemask kapag lalabas ng bahay o magtutungo sa mga pampublikong mga lugar.

Previous articleCB notes increase in foreign investments
Next articleMayor Isko cites allegations of corruption in PH’s COVID-19 response
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.