Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Palawan ang fuel attendant na si Nida Dalita Oab kahapon, March 21, matapos makabili sa kanya sa hardware store na Rodingson Store (and/or Rongel Bakil) ng gasolina ang isang undercover agent ng diesel fuel.

Nangyari ang operasyon ng NBI Palawan bandang alas dos ng hapon matapos makatanggap ng tip mula sa Naval Intelligence Service ng Philippine Navy na talamak ang pagbebenta sa hardware store ng krudo at gas na labag sa Batas Pambasa Blg. 33 as amended by Presidential Decree 1865.

Napatunayan ito ng tanggapin ni Oab ang halagang P500 na ginamit bilang test-buy o entrapment money.

Sa sertipikasyon na inilabas ni Dir. Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE) na may petsa na October 17, 2022, hindi awtorisado ang hardware store na magbenta, mag import, export, at magbiyahe ng anumang produktong petrolyo.

Nang hanapan si Oab ng mga dokumento bilang patunay na legal ang pagbebenta, walang naipakita sa mga taga NBI Palawan. Ilegal ang pagbebenta dahil sa hindi umano pagbabayad ng tax o buwis na ibinabayad dapat sa gobyerno.

Ayon pa sa impormasyon na nakuha ng Palawan News, nakakapagdeliver umano ang hardware store ng nasa 20-25 containers ng gasolina at 20-25 containers ng krudo.

Nasa kustodiya na si Oab ng NBI Palawan para harapin ang kasong isasampa sa kanya dahil sa ilegal na pagbebenta ng produktong petrolyo.

About Post Author

Previous articleTyphoon in summer is possible, says PAGASA
Next articleLA Tenorio, hopeful to overcome Stage 3 cancer for ‘Ironman2’
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.