Larawang kuha ni Marialen Galicia-Archie.

BROOKE’S POINT, Palawan — Nanlumo ang 76 anyos na barangay tanod na si Alberto Laurenciano matapos tupukin ng apoy ang kanyang bahay sa Sityo Lulungan, Barangay Saraza sa bayan na ito noong Linggo, ika-29 ng Marso.

Ayon kay Laurenciano, nagbabantay siya ng checkpoint sa Saraza nang masunog ang kanyang bahay.

“Nasa duty ako bilang tanod at nasa checkpoint ako nang oras na yon. May nagsabi sa akin na nasusunog daw ang bahay ko kaya agad ko itong pinuntahan. Pero wala na,” pahayag ni Laurenciano.

 

Larawang kuha ni Marialen Galicia-Archie.

Pati ang dalawang araro na kanyang ginagamit sa pagsasaka ay natupok. Ang kalahating sakong similya ng mani, mais, at lahat ng gamit nito ay nasunog.

“Nakakapanlumo kasi yong araro ko ang pangunahin kong ginagamit pang hanap-buhay,” dagdag niya.

Wala namang ulat sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa Brooke’s Point tungkol sa naganap na sunog, ayon kay Samuel Mostiero.

Pero sinabi niya na maaaring tumungo sa kanilang opisina si Laurenciano para i-report ang nangyari para mabigyan ito ng kaukulang dokumento para sa financial assistance.

Kasalukuyang nakikitira na lamang sa kanyang anak ang biktima. Umaasa itong mabigyan ng ayuda ng pamahalan lalo pa at nagkakasakit na rin ito dahil umano sa kakaisip sa nangyari .

 

About Post Author

Previous articleCapitol medical scholars join fight vs COVID-19 pandemic
Next articleKalayaan town not affected by COVID-19
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.