Handa nang maghatid ng libreng payong legal sa mga Palaweño ang Provincial Legal Office (PLO) ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng Provincial Legal Extension Services Program (PLESP).

Layon ng programa na matulungan ang mga mamamayan, lalo na ang mga mahihirap na mabigyan ng payong legal para sa mas mabilis na pagresolba ng isang kaso, gayundin ang pagbibigay ng sapat na impormasyon kaugnay sa pagpapatupad ng ilang batas, partikular ang R.A. 9262, o Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC), R.A. 11596 o An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage, at R.A. 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act.

“We are mandated to provide legal education, trainings, seminars on different matters especially Katarungang Pambarangay and other special laws like VAWC. We will also tackle different laws that enlighten our public officials about their rights and privileges and their possible liabilities in case of Malfeasance, Misfeasance, and Nonfeasance in office,” paliwanag ni Atty. Mary Joy Ordaneza-Cascara, Attorney V ng Provincial Legal Office.

Samantala, ang  Katarungang Pambarangay ay isang sistema ng pangangasiwa ng hustisya sa bawat barangay na layong maisaayos ang mga hidwaan sa pamamagitan ng mediation, conciliation o arbitration ng mga nakatira sa barangay na hindi na kinakailangan pang dumaan sa korte.

“It is very important that our barangay officials are knowledgeable and trained pagdating sa mga usaping legal sa barangay… In this way, we will be able to resolve the cases sa barangay pa lang mismo. And this will also avoid dismissal of cases by reason of non-compliance of the procedures,” dagdag ni Atty. Cascara.

Magiging katuwang naman ng PLO sa pagpapatupad ng naturang programa ang Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Palawan Chapter at Department of the Interior and Local Government (DILG)-Palawan.

Target na masimulan ang pagpapatupad ng programang ito ngayong buwan ng Pebrero.

About Post Author

Previous articleUPDATE: City police, may lead na sa mga suspek sa panloloob sa karinderya
Next articleOrganizers assure security of ‘The Great Kalayaan Expedition 2023’ participants