File photo was taken on December 27-28, 2021, in Barangay Panindigan, San Vicente town, during the relief operation of Project HoPe in cooperation with the municipal government. (Photo from Project HoPe)

SAN VICENTE, Palawan – Umabot na sa 19,122 food packs ang naipamahagi ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng bayan ng San Vicente sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Odette.

Kabilang dito ang 12,269 food packs na donasyon ng mga pribadong indibidwal, organisasyon, at kompanya, at mga sangay ng pamahalaan na naipamahagi sa unang round ng relief distribution sa lahat ng barangay ng bayan.

Maliban dito ay patuloy din ang ikalawang round ng pamamahagi ng mga food pack para sa 6,853 pamilya na muling napagkalooban mula sa mga barangay at islang nasasakupan.

The file photo was taken on December 27-28, 2021, in Barangay Panindigan, San Vicente town, during the relief operation of Project HoPe in cooperation with the municipal government. (Photo by Project HoPe)

“Nakapagsimula na tayo sa 2nd round ng food packs 50% na ang nabigyan, nasa 6,000 households na, nakapag 2nd round na kami sa barangay Binga, Port Barton at mga island sitio. Actually, ang island sitios ng Port Barton ay sinabay na namin ang 3rd round nila hindi na medyo matagal,” pahayag ni Angelina Castillo ng MSWDO

“So far, lahat ng distribution natin ay maayos namang naipamimigay maliban sa mga nai-encoiunter nating problema sa masterlist. Halimbawa ang masterlist ng barangay until now, hindi nila ma-complete, so minsan ang sinasabi ng mga tao ay bakit wala kami dyan sa listahan. Syempre yung sa aming masterlist na hawak ay yung May pa last year, yan yung complete masterlist namin,” paliwanag niya.

Project HoPe distribution of relief goods from its donors.

Dagdag niya, kung hindi naman sila magbabase sa masterlist ay mas marami ang pipila.

“Halimbawa dalawa o tatlong pamilya sa isang bahay ang nakatira tapos sabihin natin per households minsan lahat sila pumipila talaga kahit sabihin mo pa na per bahay, hindi nasusunod kung wala masterlist,” ayon pa kay Castillo.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang MSWDO sa pag-repack ng mga bigas at iba pang pagkain sa tulong ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, para maipamahagi pa rin sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.

About Post Author

Previous articleDOLE-Palawan to conduct refresher webinar for employees, employers, MSME
Next articleTatlong kabataan naaksidente sa Brgy. Lucbuan sa Puerto Princesa
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.