Pinapayagan ng munisipyo ng Busuanga ang pagpasok at galaw ng mga goods, food supplies, at cargo sa kabila ng kanilang umiiral na 14-day community lockdown.

Ito ang inilinaw ni Mayor Elizabeth Cervantes na nagsabing tinitiyak ng lokal na pamahalaan na hindi magkakaroon ng kakulangan sa suplay ang buong Busuanga.

Sinabi ni Mayor Cervantes sa isang panayam ng Palawan News na bibigyan nila ng delivery passes ang mga magluluwas ng food at supplies.

“Hinihiling natin na sana maunawaan ito ng Busuangueño, ang restriksyon natin para sa kaligtasan natin. Walang problema sa mga cargoes at food supplies delivery, continue sila na papasok dito,” sabi ni Cervantes.

Ayon kay Mayor Cervantes, ang lahat ng food deliveries at mga cargoes na papasok sa Busuanga o Coron ay kailangang kumuha ng kanilang mga delivery pass mula sa Emergency Operations Center (EOC) upang ipakita ito sa border checkpoint.

Ang 14-day community lockdown sa bayan ng Busuanga ay kasabay din sa itinakdang contact tracing ng Coron dahil sa nangyaring local transmission.

Ang ibang mga bayan ay na siyang bagay ding ginawa ng Culion at Linapacan.

“Nagtakda ang MITF Coron ng contact tracing sa nai-rekord nilang local transmission at tayo sa Busuanga ay agad ding naghigpit sa mga borders natin kasabay ng regulasyon na aprubado ng MITF sa mga borders o pagitan ng Coron may mga checkpoint tayo diyan,” dagdag ni Cervantes.

Samantala, kasama din sa regulasyon na inilabas ng MITF Busuanga, papayagan naman ang mga taga Culion at Linapacan na makapasok o makapunta ng Busuanga subalit kailangan nilang kumuha ng travel pass mula sa kanilang munisipyong pinanggalingan.

About Post Author

Previous articleDanao case hearings at Capitol resume
Next articleFilipino farming advocate shares experience with Lionheart Farms
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.