A fisherman was injured last night, May 3, after a heated argument over tattoo payment in Barangay Panacan 2, Narra town.
Diether Wernada Manongdo, a 26-year-old fisherman, was identified as the victim, while the suspect was Darvie Loucencio Herlandez, 31, also a fisherman known as “alias RS.” The incident occurred at around 9:30 p.m. in Barangay Panacan 2.
During the preliminary investigation, it was discovered that the suspect and victim were in a heated argument over the suspect’s tattoo payment. The conflict escalated when the victim suddenly grabbed the suspect, but the suspect was able to retaliate by striking the victim with a bottle.
The victim’s family brought him to the Narra Municipal Hospital for treatment after he suffered wounds on his left shoulder and left side. On the other hand, the suspect was taken into custody by the Narra police.
BASAHIN SA WIKANG PILIPINO
Mangingisda sugatan matapos ang mainitang pakikipagtalo hinggil sa bayad ng tattoo
Isang mangingisda ang sugatan kagabi, ika-3 ng Mayo, matapos ang mainitang pagtatalo sa kapwa mangingisda dahil sa bayad sa tattoo at pukpukin ng bote sa Barangay Panacan 2, bayan ng Narra.
Si Diether Wernada Manongdo, isang 26-taong gulang na mangingisda, ang sinasabing biktima, habang si Darvie Loucencio Herlandez, 31 taong gulang, na kilala bilang “alias RS” ang itinuturong suspek. Naganap ang insidente bandang 9:30 ng gabi noog May 3 sa Barangay Panacan 2.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa dahil sa bayad sa tattoo ni Herlandez. Nagkagirian sila nang biglang hablutin ni Manongdo ang suspek, subalit nagawa umanong makapaghiganti nito sa pamamagitan ng paghampas sa kanya ng bote.
Dinala ng pamilya si Manongdo sa Narra Municipal Hospital para sa pagpapagamot dahil sa sugat sa kanyang kaliwang balikat at tagiliran. Samantala, nasa kustodiya na ng Narra police ang suspek.