Isang fish vendor sa bayan ng Quezon ang inaresto dahil sa P50 na tinanggap niya bilang taya sa ilegal na operasyon ng small town lottery (STL) mula sa miyembro ng awtoridad na nagpanggap na mananaya bandang alas singko kahapon, January 27.

Ang inaresto sa Brgy. Alfonso XIII dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602 ay si Felix Calinawan, 47, na residente ng Brgy. Tabon sa natura rin na bayan.

Ayon sa ulat mula sa Palawan Police Provincial Office (PPO), siya ay inaresto ng mga operatiba ng Quezon MPS at Provincial Intelligence Unit (PIU) dahil sa pagtanggap ng P50 bilang taya mula sa nagpanggap na kliyente at pag-isyu dito ng betting receipt, o lastillas.

Nang hingian ito ng mga dokumento bilang patunay na legal ang kanyang pagpapatay sa STL ay wala itong maipakita na ano man sa mga pulis.

Nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang isang set ng lastillas na ginagamit sa draw ticket, listahan ng draw ticket kada outlet na nakasulat sa dalawang pahina ng papel, wallet, cellphone, 8 piraso ng P100, walong piraso ng P50, 17 piraso ng P20, at iba pang gamit sa ilegal na STL.

Nasa kustodiya na siya ng Quezon MPS para sa karampatang disposisyon.

About Post Author

Previous articleHagedorn lauds swift approval of Kalayaan protection bill
Next articleResidente ng Rio Tuba, arestado dahil sa isang sachet ng shabu