Larawan mula sa MIO
- Advertisement by Google -

BROOKE’S POINT, Palawan — Burado ang lahat ng mga files sa computer ng Municipal Information Office (MIO), gayun din sa Sangguniang Bayan at Mayor’s Office.

Usap-usapan sa ngayon at palaisipan ang dahilan kung bakit walang itinirang kopya ng mga itinuturing na government files and property sa mga computer na isinurender sa mga nabanggit na opisina matapos ang panunungkulan ni acting municipal mayor Georjalyn Quiachon.

Inaasahan umano ng ilang empleyado ng LGU Brooke’s Point na hindi na nagpabanggit pa ng pangalan ang proper turnover mula sa pamunuan ni Quiachon na kung saan ay nakasaad sa RA 6713 ng Code of Conduct.

Ayon kay Mayor Cesareo Benedito Jr., kinausap na umano niya ang kanyang admin upang ipatawag ang mga empleyadong sangkot sa nasabing usapin. Hindi rin muna umano siya magco-comment ukol dito dahil hindi niya pa nakakausap ang mga empleyado.

- Advertisement -

“Yong sa deleted files na yan, kinausap ko na si admin na para maipatawag o mamimohan yong mga empleyadong narito pa na nagsabing deleted ang files sa kanilang offices para naman malaman natin ang detalye. Sa ngayon ay hindi muna ako magcocoment dahil hindi pa sila nakakausap” sabi ni Benedito.

Sa kabilang banda ay sinusubukan ring hingian ng panig ng Palawan news ang dating acting mayor, subalit hindi ito sumasagot sa mga chat sa kanyang Facebook account.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleAce Medical Center inaugurates oxygen generator system
Next articleSolons propose fixed salaries for barangay officials
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.