Fetus, nakitang lumulutang sa ilog sa Brooke’s Point

Ayon kay Dr. Lovely Sotosa tinatayang ang fetus ay nasa siyam na buwang gulang na dahil sa kumpleto na ang mga parte ng katawan nito.


Isang fetus ng babae ang nakitang palutang-lutang sa ilog ng Sityo Paratungon, Barangay Pangobilian sa Brooke’s Point noong hapon ng Huwebes, October 18.

Mag-aalas singko nang makita ito ng mga residente ng Paratungon sa liblib na bahagi ng ilog na nabubulok at naaagnas na.

Ayon kay Dr. Lovely Sotosa ng Municipal Health Center (MHC) ng Brooke’s Point, sa kanilang eksaminasyon na ginawa sa fetus, tinatayang ito ay nasa siyam na buwang gulang na dahil sa kumpleto na ang mga parte ng katawan nito.

“Nasa nine months na ito dahil kumpleto na lahat ng bahagi ng katawan and maging ang pagkakilalan [na ito ay babae],” pahayag ni Sotosa.

Sa pahayag naman ng imbestigador ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS) na si Police Officer 2 Nollan Alcantara, problemado ang kaso dahil walang maiturong suspek ang mga residente sa lugar kung saan ito nakita.

“Sa ngayon negative pa ang info kung sino ang ina o magulang ng bata. Patuloy pa ang sinasagawang imbestigasyon, ” ayon kay PO2 Alcantara.

Samantala, agad namang inilibing sa kalapit na sementeryo sa lugar ang fetus dahil sa ito ay nangangamoy na.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...