Kahapon ay nagpadala ng 1,000 family food packs (FFPs) ang pamahalaang panlalawigan bilang augmentation support para sa mga naapektuhan ng sama ng panahon nitong nakalipas na linggo sa bayan ng Brooke’s Point at Bataraza.

Ang 500 FFPs ay personal na ipinagkaloob ng mga kawani ng PSWDO para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha, walang patid na pag-ulan at lakas ng hanging amihan sa bayan ng Brooke’s Point habang ang 500 FFPs naman ay ipinagkaloob para sa mga apektadong residente sa bayan ng Bataraza.

Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail D. Ablaña, ang pagkakaloob ng family food packs para sa mga ito ay base na rin sa direktiba ni Gob. Socrates upang agarang makapagbigay ng ayuda para sa mga apektadong residente sa nabanggit na mga munisipyo.

“Ang PSWDO sa direktiba ng ating minamahal na Gob. VDMS ay patuloy na magpapadala ng relief goods at magkakalinga sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na epekto ng shear line o pag-ulan nitong nagdaang mga araw,” ani Ablaña.

About Post Author

Previous articleProv’l board approves P40 million supplemental budget for bonus of qualified employees
Next articleRizal and Palawan: The national hero’s monuments in the province