Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog ang mararanasan sa Bicol, Northern Samar, Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon, ayon sa PAGASA
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Silangan hanggang sa Hilagang-silangan ang iiral na may banayad hanggang sa katamtaman na pag-alon ng karagatan.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin, apektado ng shear line ang area ng CALABARZON at eastern side ng Luzon area kaya nakakaranas ang mga residente dito ng makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan.
Ang amihan o northeast monsoon ay patuloy naman na umiiral na nagdadala ng pulo-pulo o mahihinang pag-ulan.
Sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ay walang nakikitang namumuong sama ng panahon ang PAGASA, ayon pa rin kay Bulquerin.
