Naaresto ang dating pulis na naging wanted person sa lungsod (nakasuot ng puting kamiseta) (Photo courtesy of Police Regional Office-MIMAROPA)

Isang dating pulis na naging “most wanted person” sa lungsod ang nahuli ng mga awtoridad sa Fernandez Street, Barangay Tanglaw, Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Ray Aron Elona, station commander ng Police Station 1, ang suspek na si Judelio Longan Torce, 38, residente ng nasabing lugar.

Naaresto ang suspek dahil sa paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Elona, nagkaroon na ng operasyon noong nakaraang taon laban sa suspek ngunit nakatakas ito kaya sila ay naghain na lamang ng kaso laban dito at nito nga lang Lunes ay naaresto na nila ito sa bisa nang ipinalabas warrant.

“Lumabas ang warrant of arrest nitong suspek since nag-conduct ng buy-bust operation against sa kanya but unfortunately nakatakbo itong suspek. Nag-regular filing tayo tapos nga iyong warrant of arrest niya last year din. So, noong June 29 around 6 p.m. sinerve natin itong warrant of arrest against dito nga sa suspek natin na si alias Torse”, saad ni Elona.

Dagdag pa niya, matagal nang gumagamit ng ipininagbabawal na gamot ang suspek dahilan upang malulong ito, maiwan ang kanyang trabaho, at pasukin ang pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

“Sa initial investigation natin, itong suspek is involved dati sa paggamit ng illegal drugs isa rin sa naging cause ng kanyang pag-a-AWOL (absence without leave). Masasabi natin na drug addiction ang naging reason kung bakit nauwi siya sa ganitong mga gawain,” saad ni Elona sa panayam nito sa Palawan News.

“Masasabi natin na patuloy parin siya (sa pagbebenta ng droga) kasi nga pag nakakahuli tayo dinadaan natin iyan sa interrogation para malaman iyong ibang personality involved at doon nga sa ilang mga nahuli natin is lumabas ang pangalan ng suspek (Torse) so definitely masasabi natin na nagpatuloy parin siya sa kanyang ilegal na gawain,” dagdag ni Elona.

(With a report from Jayra Joyce Taboada)

About Post Author

Previous articleDA region nears completion of financial subsidy releases
Next articleDepEd remote and dropbox enrollment extended until July 15