Timbog sa buy-bust operation na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan ang isang ex-convict sa kasong murder sa Purok San Francisco, Brgy. Tiniguiban, sa Puerto Princesa.

Kinilala ang suspek na si Niño Edep Adion, alyas Ninoy, na kalalaya lamang mula sa pagkakakulong sa Iwahig Prison and Penal Farm noong 2019 dahil sa kasong murder.

Ayon sa PDEA, dating residente ng barangay San Manuel ang suspek na lumipat ng tirahan dahil naging matunog ang mga transaksyon nito sa droga sa lugar.

“Sabi niya (suspek) mayroon siyang di kilalang source na nagbagsak sa kanya ng mga items at saka binabayaran niya sa Gcash. Pero sabi naman ng asset namin, ang kinukunan niyang source ay dito lang sa isang barangay kung saan siya dati nakatira at saka binabayaran niya pagkatapos niya mabenta ang mga items,” ayon sa agent ng PDEA.

Nasabat sa suspek ang anim na sachet ng magkakaibang sukat ng pinaghihinalaang shabu. Habang isa naman ang nabili dito na nagkakahalaga ng P5,000 na nabawi rin sa suspek.

Nakumpiska din mula sa kanya ang cellphone, lighter, isang black purse, at pakete ng sigarilyo.

Kakaharap si Adion sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

About Post Author

Previous article[UPDATED] Search and rescue on for missing chopper in Balabac
Next articleOperation Smile is back, seeking 100 patients for free cleft lip and palate surgeries
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.