(WARNING: This story has potentially upsetting content. Readers should exercise caution.)
Nasa ospital pa rin ang estudyante at delivery rider na nasangkot sa banggaan sa South National Highway sa Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City, madaling araw ng November 19.
Ang dalawa ay kinilala ng Puerto Princesa City Police Station 2 (PS 2) bilang delivery rider na si Abdulbashier Indanan, 44, at ang estudyante na si Jesger Caabas, 25.
Sa report ng PS 2 na pinamumunuan ni Police Captain Douglas Sabando ay sinasabi na naabutang nakahandusay ang dalawa sa kalsada ng mga nakasaksing motorista.
Ang Kilos Agad Action Center na rumesponde sa insidente ang nagdala sa dalawa sa Ospital ng Palawan.
Samantala, ayon kay Sabando, napagkasunduan ng dalawang partido na mag-usap na lang kaugnay sa nangyari.