Jul 3, 2020

Eskwelahan sa Sofronio Española, pinagbabato

Ayon sa lady guard ng eskwelahan na si Josephine Gregas, tinatayang gabi isinagawa ang pambabato ng mga hinihinala niyang kabataan.

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Pinagbabato ng mga hindi nakikilalang suspek ang bintana ng Pulot National High School (PNHS) sa bayan na ito, Huwebes ng madaling araw, at nabasag ang jalousies ng mga bintana.

Ayon sa lady guard ng eskwelahan na si Josephine Gregas, tinatayang gabi isinagawa ang pambabato ng mga hinihinala niyang kabataan.

“Trio ito ng mga kabataan dito — nagtataka nga tayo kasi mahigpit ang mga tanod dito at may curfew naman dito sa amin. Apat na salamin ang nabasag ng bato na nagkalat talaga dito sa labas ng paaralan,” pahayag ni Gregas.

Agad na ipinarating ito ng paaralan sa kaalaman ng mga opisyales ng barangay ng Pulot Center para matingnan ang insidente.

Ayon kay punong barangay Abner Tesorio, baka mga ala una o madaling araw ginawa ang pambabato sa PNHS kaya hindi nakita o napansin ng mga romorondang tanod.

Nagtaka ang kapitan dahil sa mahigpit na curfew sa lugar may iilan pa rin na nakakalusot.

“Halos ang mga tanod natin nakabantay talaga yan nag-iikot sila pero nagtaka tayo kahit curfew na may mga nakakalusot pa rin na mga kabataan dito para gawin ang mga ganitong incident,” sabi ni Tesorio.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry