Jul 11, 2020

Enterprise challenge fund, inilabas ng munisipyo ng Quezon para sa mga kababaihan

“Ang tanging gagawin lamang ay magsumite ng project proposal sa opisina. After ma- validate at ma-approve ang proposal nila, sila po ay pagkakaloooban ng pangkabuhayan depende sa kaya nila,” ayon kay Balisko.

QUEZON, Palawan — Naglaan ng P700,000 ang opisina ng gender and development (GAD) ng munisipyong ito para sa mga proyektong pangkabuhayan ng mga kababaihan, bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan.

Ayong kay Lilibeth Balisco, social welfare officer at focal person sa gender and development (GAD), ang pondo ay nakalaan para sa mga mapipiling livelihoo project proposal ng mga kababaihan.

“Ang tanging gagawin lamang ay magsumite ng project proposal sa opisina. After ma- validate at ma-approve ang proposal nila, sila po ay pagkakaloooban ng pangkabuhayan depende sa kaya nila,” ayon kay Balisko.

Ipinaliwanag din ni Balisko na ang pondo ay hindi “dole out” na tulong ng pamahalaan.

“Kapag sila ay kumikita na ibabalik po nila ang puhunan base sa kakayanan nila sa paghuhulog paunti unti. Sa treasurer’s office sila magbabayad at may official receipt silang matatanggap matapos mag bayad, puwedeng weekly, monthly o quarterly at annually. Para naman ito ay magamit at maipaikot pa sa ibang grupo o miyembro” ayon kay Balisko.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry