Isang emergency medical responder ang inaresto ng mga pulis dahil sa kasong qualified theft noong ika-19 ng Hulyo sa Brgy. Alfonso XIII, Quezon.

Kinilala ni P/Capt. Ric Ramos ang suspek na si Sonell Omison Alcedo, 30, residente ng Purok Sun Flower sa nasabi rin na barangay.

Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga awtoridad base sa warrant of arrest na iginawad ni Judge Marjorie T. Uyengco-Nolasco, presiding judge ng Regional Trial Court (RTC), Branch 83 sa Tanauan City, Batangas noong ika-2 ng Setyembre taong 2013.

Ayon kay Ramos, ang kaso ng suspek ay hindi naganap sa bayan at lalawigan kaya’t ang warrant of arrest ay mula sa Batangas.

Maaari umanong mula sa ibang lugar ang suspek at nanirahan sa Palawan.

“Ang warrant of arrest naman ay kahit saan, kahit sa Luzon, Visayas pupuwede siyang hulihin, dito kasi sa atin, may mga pumupunta dito mula sa ibang lugar para tumago at dahil nga tuloy-tuloy ang paghuli natin sa may mga warrant nahuhuli natin sila dito. Itong suspek natin posibleng mula sa ibang lugar lumipat lang dito kaya ‘yong warrant nya sa ibang lugar din,” ayon kay Ramos.

Previous articleNFA says it can’t go after erring rice dealers
Next articleProbe body says power woes not just PALECO’s fault
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.