Nagtala ng 11 bagong kaso ng COVID-19 ang El Nido matapos na lumabas ang RT PCR test ng mga naunang probable cases noong Lunes, Mayo 3, ayon kay Dr. Marian Relucio, municipal health officer ng nasabing munisipyo.

Dahil dito, umakyat sa 14 ang kasalukuyang active cases kung saan, dalawa ang naka-confine sa El Nido Community Hospital (ENCH) at 12 naman ang nasa isolation facility.

Ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng isang babae, 62, empleyado ng munisipyo mula sa Barangay Villa Libertad; at 78, mula sa Brgy. Bucana na bumiyahe sa Puerto Princesa noong Abril 6-8, 2021 at naging symptomatic. Ang dalawa ay kasalukuyang naka-confine sa ENCH;

Dalawang babaeng empleyado ng munisipyo na 35 taong gulang mula sa Brgy. Teneguiban at kasalukuyang symptomatic, at 24 taong gulang mula sa Brgy. Maligaya at kasalukuyang asymptomatic; isang 14 taong gulang na batang babae mula sa Brgy. Villa Libertad na asymptomatic; 41 taong gulang na babae mula sa Brgy. Bucana, asymptomatic; at 60 taong gulang na babae mula sa Brgy. Maligaya, asymptomatic.

Ang apat na lalaki naman ay isang 22 taong gulang na empleyado ng munisipyo at mula sa Brgy. Corong-Corong; 35 taong gulang na mula sa Brgy. New Ibajay; 61 taong gulang mula sa Brgy. Villa Libertad; at 62 taong gulang mula sa Brgy. Maligaya. Lahat sila ay asymptomatic.

Naitala rin sa bayan ang 18 bagong probable case matapos magpositibo sa antigen test ang mga kawani ng Philippine Coast Guard na lulan ng barkong nakahimpil sa daungan ng El Nido.
 
Kasalukuyan ay 19 ang bilang ng probable case sa bayan.

Samantala, dalawa naman sa mga naunang pasyente sa bayan ang gumaling na at sa kabuuan ay mayroon nang 17 ang bilang ng recoveries sa nasabing bayan.

Patuloy pa rin ang pagpapaalaala ng MHO sa lahat na sundin ang minimum health standards sa lahat ng oras kagaya ng palagiang pagsuot ng face mask at face shield at pag-iwas na lumabas ng bahay kung hindi rin lang kailangan at palagiang pag-hugas ng kamay.

Previous articleMga mangingisdang gumamit ng ipinagbabawal na compressor, huli ng mga operatiba ng Cuyo MPS
Next articleBayan ng San Vicente, COVID-free na
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.