Bilang bahagi ng kanilang community service ay magsasagawa ng bloodletting activity ang mga miyembro ng Fraternal Order of Eagles sa pakikipagtulungan sa Adventist Hospital Palawan (AHP) sa November 6, mula 9 a.m. hanggang 5 p.m.

Ang 4th Quarter Bloodletting Activity ng fraternal order ay gaganapin sa SM City Event Center upang makalikom ng units ng dugo na maaaring gamitin ng mga mamamayan ng lungsod at lalawigan na mangangailangan nito.

Pangungunahan ito ng mga club members at mga aplikante bilang pakikiisa sa community service project, ayon sa mga organizers nito.

Isasagawa ito nga fraternal order sa ilalim ng Palawan Region 1 sa pakikipagtulungan din sa SM City Puerto Princesa, Palawan Dental Chaper, Inc., Puerto Princesa Police Office, Puerto Princesa City Jail, Philippine Air Force, Philippine Navy, PNP Maritime Group, at Western Command.

About Post Author

Previous articleProv’l govt sends food packs, other relief goods to Paeng-affected towns in Northern Palawan
Next articleDSWD calls for stronger mental health initiatives for kids