(Larawan mula sa Brooke's Point MPS)

Nananatili ngayon sa Southern Palawan Provincial Hospital (SPPH) ang isang driver matapos na magtamo ng pinsala sa katawan nang makabanggaan ng motorsiklo na minamaneho nito ang sasakyan na Mitsubishi canter truck sa kahabaan ng national highway sa Barangay Oring-Oring, Brooke’s Point, dakong 1:40 ng Huwebes ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Ronron M. Alisto, 31 taong gulang, habang ang driver naman ng truck ay kinilalang si William Mirel Abubacar, 44 taong gulang.

Sa report ng Brookes Point Municipal Police Station (MPS), 2:40 na ng nakatanggap sila ng tawag mula sa kapitan ng nasabing barangay tungkol sa aksidente.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na pauwi na si Alisto sa Brgy. Berong sa bayan ng Quezon nang makasalubong nito ang truck na patungo naman sa bahaging sur ng Brooke’s Point.

- Advertisement -

Ayon pa sa pulisya, pumasok sa linya ng truck ang nasabing motorsiklo na naging dahilan ng banggaan, kung saan nagtamo ng matinding pinsala si Alisto, habang si Abubacar naman ay ligtas.

Previous articleBrace for rainy Holy Week due to TD Agaton
Next articlePuerto Princesa stunner to compete in Miss Universe Philippines 2022
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.