Ang tricycle na tumaob matapos ang aksidente sa Brgy. Pasadena sa bayan ng El Nido. (Photo from Palawan PPO)

Dead on arrival sa ospital ang isang driver, samantalang naka-confine pa ang angkas nito matapos maaksidente ang kanilang sinasakyan na tricycle sa national road bandang 8:30 p.m. nang Biyernes (Disyembre 10), sa Barangay Pasadena sa bayan ng El Nido, ayon sa ulat ng Palawan Police Provincial Office (PPO).

Ang driver na nasawi sa aksidente ay kinilala ng PPO sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos na si Narciso Nunez Dorone, 51, isang construction worker, at residente ng Sitio Bararing, Brgy. Pasadena.

Ang angkas naman nito ay si Rowel Gimao, 40, construction worker rin, at residente ng naturang barangay.

Ayon sa report mula sa PPO, tinatahak ng tricycle ni Dorone ang national highway mula sa hilaga papuntang timog nang pagdating sa kurbada ay nag-crash ito.

Walang ibang detalye na binanggit ang PPO sa report nito kung bakit nag-crash ang tricycle.

About Post Author

Previous articleExperts study ancient fossils discovered in Tagabenit cave
Next articleMaritime authorities rescue 7 passengers, crew of capsized motor banca in Taytay