Photo courtesy of Jaena Villaruz Conales

Nasawi sa aksidente ang driver ng isang Ford pickup kahapon, Mayo 11, matapos mag-overshoot sa kalsada at mahulog sa malalim na bahagi nito sa Barangay Punta Baja, Rizal, bandang 3:10 ng hapon.

Kinilala itong si Timmy Lope Jacobo, 24, residente rin ng nasabing barangay sa Rizal. Ayon sa ulat mula sa Police Provincial Office (PPO), idineklara itong dead on arrival sa Jose P. Rizal District Hospital sa naturang bayan.

Ang kasama nito na pasahero na kinilalang si Emilio Cabitac Tibangin, 27, na residente rin ng Punta Baja ay nasa ospital sa lungsod. Wala pang ulat kung ano ang kalagayan nito habang isinusulat ang balitang ito.

Ayon pa rin sa imbestigasyon, binabagtas ng dalawa sakay ng Ford pickup ang national highway mula sa south patungo ng north direction ng mangyari ang aksidente.

- Advertisement -

Mula naman sa kuwento ng ilang saksi, naging pahirapan din ang paglabas sa sasakyan ng dalawang biktima, bago tuluyang nadala sa ospital.

Previous articleNaging mapayapa ang halalan sa lungsod at lalawigan, ayon sa pulisya
Next articleRe-elected Roxas mayor to focus on rehab of Odette-affected areas
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.