Thu. Oct 17th, 2019

Driver ng motorsiklo patay matapos bumangga sa nakaparadang ‘multicab’

[Developing Story] Patay ang driver ng isang motorsiklo na kinilalang si Victor Gallo, 35 taong gulang matapos bumangga sa nakaparadang multicab na may Plate No. DWK 676, hapon ng Oktubre 23 sa Gumamela Centro, Bgy. Sta.Monica, Puerto Princesa.

Nagtamo naman ng sugat ang kanyang anak na si Prince William Gallo, 8 taong gulang na agad namang isinugod sa Ospital ng Palawan.

Sa ngayon, sumasailalim pa sa imbestigasyon ng Irawan-PNP ang nasabing insidente.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply