Patay ang driver ng isang motorsiklo matapos itong bumangga sa kasalubong nitong truck sa kahabaan ng national highway sa Barangay Tabon sa bayan ng Quezon, bandang 5:45 ng hapon noong Martes, August 9.

Ayon sa Quezon Municipal Police Station (MPS), mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Elnarie Tingdan Madayao, 39 taong gulang, patungo sa bahaging sur ng bayan nang makasalubong nito ang truck.

Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol si Madayao na naging dahilan kaya bumangga ang motor nito sa kanang bahagi ng truck.

Agad na isinugod si Madayao sa pinakamalapit na ospital kung saan siya idineklarang dead on arrival. Nasa kritikal naman na kondisyon ang angkas nito na si Niba Favila habang nagpapagaling kasama ang isa pa sa isang pagamutan sa nasabing bayan.

Dinala na sa kustodiya ng PNP ang mga sasakyan, habang nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property ang driver ng truck na kinilalang si Carli Joson Tabirara.


ADVERTISEMENT


May tatanggaping pera from your loved one na nasa abroad? 💸 I-Palawan na
‘yan! Napakadali ng transaction at cash pa agad ang tanggap ng remittance.
‘Yan ang tunay na #PalaParaan. #GlobalAngGalingNatin 💚

May over 6,000 Palawan branches nationwide. I-click lang ang link na ito para
sa listahan ng mga Palawan Express branches
nationwide: https://bit.ly/3vSOoEY






Previous articleDSWD Sec. Tulfo visits Palawan to hear disaster ‘quick response’ capability concerns
Next articleNasa 600 na senior citizen at PWD, nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaang panlalawigan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.