Makikita sa larawan na nayupi ang harapan ng Toyota Hi-ace van na minamaneho ni Sherwin Caña Galicia na nakabanggaan noong gabi nang October 18 ng motorsiklo na minamaneho ni Val Lampoon Cudal. (Photo from Palawan PPO)

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang driver na si Val Lampoon Cudal ng motorsiklo at angkas nito matapos makabanggaan ang isang Hi-ace van sa Barangay Iraan sa bayan ng Rizal, alas syete nang gabi noong October 18.

Isinugod sa Rizal District Hospital (RDH) si Cudal, 34, at angkas nito na hindi na pinangalanan sa ulat na inilabas ng Palawan Police Provincial Office (PPO). Siya ay isang magsasaka na residente ng naturang barangay at diumano ay walang lisensya nang maganap ang aksidente.

Ang driver nang nakabanggan na Toyota Hi-ace van ay kinilala na si Sherwin Caña Galicia, 25, residente ng Barangay Sicsican, at sinasabing mayroong professional driver’s license.

Makikita ang driver ng motorsiklo na si Val Lampoon Cudal habang nirerespondehan ng rescuer mula sa Rizal MDRRMO. (Photo from Palawan PPO)

- Advertisement -

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng Hi-ace van na minamaneho ni Galicia ang national highway sa Iraan mula sa north patungo ng south direction, samantalang si Cudal ay galing sa kasalungat na direksyon.

Pagdating sa lugar na pinangyarihan ng aksidente, lumalabas na inokupa ni Cudal ang opposite lane na naging dahilan ng head-on collision. 

Previous articleIt’s official, Delta variant is present in Palawan
Next article[UPDATED] Water service interruption to occur in some city barangays
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.