Makikita sa larawan ang NERU ambulance na naaksidente sa national road sa Brgy. Princess Urduja, Narra. (Contributed image)

Dead-on-the-spot ang drayber ng ambulansya ng Narra Emergency Response Unit (NERU) at kasama nito matapos maaksidente sa Km. 103 sa national highway sa Barangay Princess Urduja, 10:45 ngayong umaga, Marso 10.

Sa inisyal na ulat mula sa Narra Municipal Police Station (MPS), kinilala ang mga nasawi na sina Buddy Asuncion Gorospe, 45, ang drayber ng ambulansya, at ang kasama nito na si Erwin Setias Garcellano, 39.

Ayon sa report, mabilis ang takbo ng ambulansya, at huli na nang mapansin nito ang tubig baha sa kalsada. Biglang napa-preno si Gorospe kaya diumano maaaring nawalan ng kontrol sa sasakyan na naging dahilan ng paggiwang nito at pagbaliktad sa kalsada.

Ayon sa Narra MPS, bago ang aksidente ay patungo sana sa mga barangay na apektado ng baha sa southern part ng bayan ang dalawa sakay ng ambulansya. May ilang lugar kasi sa Narra na binaha dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng low pressure area (LPA).

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Narra MPS habang isinusulat ang balitang ito.

- Advertisement -
Previous articleTakas na detenido sa prov’l jail, isinuko ng sariling ina sa Capitol
Next articleSara’s husband hints she’d be in charge of national defense if elected
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.