Isang lalaki na itinuturing na high-value individual (HVI) sa ilegal na pagbebenta ng shabu ang timbog sa buy-bust operation na ikinasa ng city police noong February 13 sa Macopa Road, Brgy. San Jose, dito sa lungsod.

Ang suspek ay kinilala ni P/Lt. Col. Mark Allen Palacio sa inilabas na statement ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) noong Biyernes na si Melvin Solidaga, 25, residente ng People’s Village sa natura rin na barangay.

Inaresto siya noong February 13 matapos makabili sa kanya ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalagaa ng P2,500 ang isang undercover agent. Tinatayang nasa 0.76 gramo ng white crystalline substance ang nakumpiska sa kanya na may market value na P6,840.

Sinampahan na siya ng kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act noong February 14 sa Office of the City Prosecutor.

Ang buy-bust ay isinagawa ng mga operatiba ng PPCPO katuwang ang Anti-Crime Task Force (ACTF) at koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa MIMAROPA.

About Post Author

Previous articlePCG’s BRP Teresa Magbanua radio challenges Vietnamese fishing craft in Recto Bank
Next articleChildFund Philippines forges partnerships for safer internet