(Photo courtesy of Puerto Princesa City Police Office)

Inaresto ng awtoridad ang isang 55 taong gulang na driver bandang alas syete ng gabi sa Barangay San Miguel, Puerto Princesa City, dahil sa kasong statutory rape by sexual assault.

Kinilala siya sa ulat ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) na ipinasa ni P/Lt. Col. Alonso Tabi Jr. bilang si Alejandre Gutierrez, residente ng Purok Kilos Agad sa naturang barangay.

Ayon sa ulat, inaresto siya ng mga personnel ng Police Station 1 (PS 1) sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Jose Bayani Usman ng Branch 50 (Family Court), 4th Judicial Region na may petsa na Abril 1, 2022.

Naglaan ang korte ng piyansa na nagkakahalaga ng P80,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Habang isinusulat ang balita na ito ay nasa kustodiya siya ng PS 1.

- Advertisement -

Previous articleNortheasterly surface windflow to deliver scattered rainfall to Palawan
Next articleMore Muslim faithful now visiting mosque