- Advertisement by Google -

Inaasahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office ( ENRO) sa bayan ng Narra na matatapos ngayong taong 2022 ang konstruksyon ng disposal cell sa Barangay Bato-Batoupang ganap ng maging sanitary landfill.

Ayon kay Neil Varcas, ang siyang MENRO officer ng bayan, natapos na ang konstruksyon ng equipment storage, material recovery facility (MRF), siltation pond, at composting facility kung saan tanging disposal cell na lang ang kailangang tapusin.

Aniya, ang mga ito ang major components upang mai-classify bilang sanitary dandfill ang dumpsite sa nasabing barangay.

“Yes po, only disposal cells nating ang ating inaantay, nandito na ang ibang mga kailangan ng kontruktor, nagkaproblema lang talaga, inabot kasi yun ng pandemic. Ang synthetic layer na gagamitin hindi naideliver agad. Tapos ang mga gagawa na from Manila pa, including mga tools nila, hindi makabyahe. Kaya natagalan. Tapos namatay pa yung may ari na contractor,” paliwanag ni Varcas.

- Advertisement -

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang pamahalaang lokal sa contractor upang masimulan na ang paggawa ng disposal cell dito.

Sa kasulukuyan, hanggat hindi pa natatapos ang konstruksyon, ayon kay Varcas, maituturing pa rin itong residual containment facility (RCF).

“Yon po talaga ang calender natin, hoping po kami na before 2022 ends, matapos na ito at maging ganap na itong Sanitary Landfill, kasalukuyan pong meron tayong dalawang garbage truck na nagagamit in good condition, ang isa naman ay nasa paayosan pa po, may ipinapaayos lang,” dagdag niya.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleKawalan ng IPMR sa mga Sangguniang Bayan, nais solusyunan
Next articleSeniors, those with disabilities may get 5% discount online, via phone, text, or call.
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.