Maiging pinag-aralan ng isang review team ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Plan (MDRRMP) para sa taong 2023 ng bayan ng Magsaysay noong January 27.
Ito ay upang matingnan ng mabuti ang plano ng LGU at malaman kung ito ay naaayon sa kanilang Annual Investment Plan (AIP) upang magkaroon ng sapat na pondo mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) para sa taong 2023-2025.
Sabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) chief Jerry Alili, lahat ng MDRRMP ay kailangan nilang i-review at i-approve bago ang implementasyon nito upang masigurong naayon ito sa plano ng PDRRMO.
“Lahat ng MDRRMO plan need namin i-review at i-approve before implementation to make sure na in line with PDRRM plan,” ayon sa kanya.
Ang review team ay binubuo nina OCD-MIMAROPA Region field offier Sheila Marie Reyes, PGADH Cruzalde Ablaña kasama ang Research and Planning Staff na pinangungunahan ni OIC Oliver Batul, Focal Person Pattrish Ann Mekitpekit, PDRRMO Research Section Head Maria Alyssa Abonales, Engr. Rafael Balcueba Jr. ng PPDO, Arlene Panes ng PSWDO at Jun Marvin Salvacion ng DILG.
Susunod na isasailalim sa review ay ang mga bayan ng Culion, Linapacan, at Busuanga upang matulungan ang mga ito na maiayon ang kanilang plano alinsunod sa kanilang LDRRMF guidelines.
Nauna nang nagsagawa ang review team ng pagsusuri sa ibang LGU naman sa Palawan.