Ang MV Lourd Fatima Faye na opisyal ng naglalakbay ng Manila-Busuanga

Pormal nang nagsimula ang direktang biyahe ng barko mula sa Manila papunta sa bayan ng Busuanga at pabalik, matapos na dumaong ang MV Lourd Fatima Faye sa pier ng Barangay Salvacion, Busuanga, nitong Martes ng gabi, May 11.

Sa panayam ng Palawan News kay Mayor Elizabeth Cervantes nitong Miyerkules, Mayo 12, sinabi niyang ang direktang biyahe ng barko ay isang welcome development para sa Busuanga.

Aniya, ito ay magandang simbolo sa kanyang pamamahala na makapag-invite ng investor para magkaroon ng isang kompanya ng barko na mamuhunan sa kanilang bayan lalong-lalo na at kailangan ang ganitong klaseng transportasyon para sa mga kababayan niyang gustong umuwi sa Busuanga na direkta ang baba sa pier.

“Kagabi nga ang kauna-unahang pagdaong nito sa pier natin. May sakay itong 13 pasahero mula NCR na mga kababayan natin dito sa Busuanga,” ani Cervantes.

“Nakita natin ito na malaking tipid sa mga kababayan natin kasi kung sumasakay pa sila from Manila sa mga barkong bumabiyahe dito is sa Coron Port ang daong niyan. Magastos, siyempre sasakay pa sila ng van papuntang Busuanga unlike kung direct na dito sa Salvacion Pier is malaking tipid ito and sinalubong natin si MV Lourd Fatima Faye kagabi sa Salvacion Pier natin,” dagdag ni Cervantes.

Ani Cervantes, isang malapit niyang kaibigan ang may-ari nito na kinumbinsi niyang mamuhunan sa kaniyang bayan na magkaroon ng isang barko na direktang biyahe sa Busuanga.

Samantala, ang unang 13 pasaherong dumating ay sinundo ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Busuanga para dalhin sa quarantine facility ng bayan.

Dagdag ni Cervantes, dahil mayroon nang biyahe ng barko sa kanilang bayan, kaakibat nito ang mga planong development project sa Salvacion Pier. Nakikipag-ugnayan na rin siya sa Department of Transportation (DoTr) para sa mga target developments sa nasabing pier at maglalaan ng pondo ang local government unit (LGU) para sa mga nais nitong gawing projects dito.

Sa kasalukuyan ay mayroong ginagawang proyekto ang Philippine Ports Authority o PPA sa Salvacion Pier na nagkakahalaga na humigit kumulang P20 million na pinondohan ng DOTr para sa improvement and extension.

“On-going ito, dahil kaakibat po ng mga nag iinvest sa atin sa ganitong uri ng mode of transportation gusto nating ihanda ang pier natin,hindi naman pweding hindi accessible ang ating pantalan,” ani Cervantes.

Previous article3 commercial fishing boats, huli sa pangingisda sa Linapacan
Next articleIPs benefit from food-for-work activity in Port Barton
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.