Ang wifi router na ikinabit ng DICT sa loob ng PSU Narra, isa sa admin building at isa sa library. Larawan mula kay Gerlie Bonie.

Dalawang wifi routers na magagamit sa libreng access ang ipinagkaloob ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Palawan State University (PSU) sa bayan ng Narra upang libreng magamit ng mga guro at estudyante.

Ayon kay Gerlie Bonie, PSU director, malaking tulong ang proyekto ng DICT upang makatipid sila sa kanilang mga gastusin sa data connectivity.

“Malaking tulong po ito sa amin sa PSU Narra, nagpapasalamat po kami sa DICT sa proyektong ito, hindi na kami mahihirapan sa access,” sabi ni Bonie.

Ang isang router ay ikinabit ng DICT sa admin building kung saan maaaring makarating ang signal nito sa sa computer laboratory, BSBA building, at sa BSE building, habang ang isa ay ikinabit sa library kung saan makakarating ang signal nito sa school gymnasium at sa mga malapit pang school classroom nito.

Ang pagbibigay ng internet access ng DICT ay sa pamamagitan ng kanilang programang Digital Empowerment Program (DEP) sa ilalim ng Republic Act (RA) 10929 o ang Free Internet Access in Public Places Act.

About Post Author

Previous articleMga iskolar ng bayan ng Brooke’s Point, nagpakitang gilas sa sports
Next articleBI to launch online visa extension for short-term tourists
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.