Si Roger Capa habang nakikiisa sa isinagawang brigada eskwela sa bayan ng Rizal.(Larawan mula kay Roger Capa)

Siniguro ng Department of Education (DepEd) Palawan ang kahandaan ng mga eskwelahan sa bayan ng Quezon at Rizal para sa nalalapit na pagbubukas ng limited face-to-face classes sa darating na Agosto 22.

Ayon kay Schools Division Superintendent Roger Capa, mahalaga na matiyak ng kagawaran na maayos at ligtas ang mga guro at mag-aaral sa pagbubukas ng School Year 2022-2023.

“Lahat ng ito ay ginagawa natin upang masigurong maayos at ligtas ang ating mga guro at mag-aaral sa pagbubukas ng klase dahil ang kanilang kapakanan at kaligtasan ang number 1 sa ating isipan,” ayon kay Capa.

Bahagi din ng pagbisita ni Capa ang pagdalo sa groundbreaking ceremony ng mga itatayong gusaling pampaaralan sa Tabon National High School (TNHS) sa bayan ng Quezon na kapapalooban ng 1-storey classroom building at 4 classroom buildings na may pasilidad para sa mga katutubong mag-aaral ng TNHS.

Si Roger Capa sa pagdalo nito sa ground breaking ceremony sa Tabon National High School (TNHS) sa bayan ng Quezon.(larawan mula kay Roger Capa)

“Ang dating mga makeshift na classroom sa IP school na ito ay mapapalitan na ng konkretong 4 na classroom na may 5 CR, rainwater harvesting tank, water system school furnitures at mga solar panel system. Inaasahang matatapos ang proyektong ito sa Nobyembre,” ayon kay Capa.

Dagdag pa nito, isang classroom din ang ipinangako ni Quezon Mayor Joselito Ayala sa TNHS na makakatulong bilang karagdagang gusali dito na magagamit ng mga mag-aaral.

Maliban sa bayan ng Quezon, binisita rin ni Capa ang ilang mga paaralan sa bayan ng Rizal. Nakiisa ito sa ginanap na Brigada Eskwela ng Speaker Ramon V. Mitra National High School kung saan ay personal niyang pinagkaloob ang mga nakalap na lumang gulong na gagamitin bilang slope protection ng kanilang paaralan.


ADVERTISEMENT


VACANT SPACE AT SAN MIGUEL COMMERCIAL BUILDING

Located at the San Miguel National Highway Caltex Compound beside the new airport, with an area size of 11sqm, that could be used for any business, from office type to the tourism industry.

For more information contact: 0917-712-1302 / 0995-038-2027.

About Post Author

Previous articlePDEA chief backs death penalty for drug traffickers
Next articleDOT on US advisory: Measures in place for safe travel to PH
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.