Ang mga kawani ng Taytay District Jail sa paglahok ng kanilang hanay sa National Zero Waste Month sa bayan ng Taytay.

Nagsagawa ng coastal cleanup ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) katuwang ang Taytay District Jail (TDJ) sa paligid ng Fuerza de Sta. Isabel, o mas kilala bilang Taytay Fort, sa Barangay Poblacion, Taytay, ngayong araw ng Sabado, Enero 15.

Ang Taytay Fort ay kilala bilang pangunahing tourist destination ng bayan.

Kabilang sa mga nakolektang basura ng dalawang ahensya sa paligid ng fort ang mga plastic bottle, cellophane, marine debris, at iba pang mga basura.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng National Zero Waste Month na ipinagdiriwang ngayong buwan ng Enero sa pangunguna ng DENR.

Ayon kay SJO4 Reynold Felipe ng TDJ, ang pangangalaga sa kalikasan ay isa rin sa mga mandato sa kanila bilang isang kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na protektahan ang kalikasan at tumulong sa hangarin ng DENR para sa tamang pangongolekta ng mga basura, na nakapaloob sa Presidential Proclamation no. 760 o ang deklarasyon ng buwan ng Enero bilang National Zero Waste Month.

“Ang TDJ ay nagpapasalamat sa DENR- Taytay sa pag-imbita sa amin sa ginanap na coastal cleanup. makakaasa kayo na tuloy-tuloy ang aming suporta sa abot ng aming makakaya para sa ikabubuti ng ating bayan ng Taytay,” pahayag ni Felipe.

Ayon pa kay Felipe, naging katuwang din ng iba pang ahensya ng gobyerno at Non-Government Organizations (NGO) ang kanilang hanay sa paghahatid ng iba’t-ibang tulong sa mga komunidad na nasalanta ng bayong Odette sa kanilang bayan, nitong nakalipas na taon.

About Post Author

Previous articleFire line formed to prevent spread of forest fire in San Vicente
Next articleMBLT-3 namahagi ng tulong sa Roxas mula sa donasyon ng mga foundation
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.