Sep 27, 2020

Dear Tita Beth,

Dear Tita Beth,

Pa advise naman po kung ano ang pwede kong gawin. Malupit po sa akin ang byenan ko. Naiintindihan ko po na masama ang pakiramdam nya dahil na stroke na po sya. Pero grabe po sya magmalupit sa akin. Ako po ang nagpapaligo sa kanya at nagsusubo ng pagkain pero lagi nya po akong sinasampal o sinasabunutan kahit wala naman po akong ginagawang masama sa kanya. OFW po ang mister ko kaya ayaw kong magsumbong lagi sa kanya. Nakikita po ng mga anak ko ang ginagawa nya sa akin. Naiyak na lang din po sila sa awa. Pinakiusapan ko na po sya dati pero wala namang nagbago. Payuhan nyo po sana ako, kung ano’ng dapat kong gawin. Salamat po! – Sheila

 

Mga bes, kung ikaw si Sheila, ano’ng gagawin mo? Comment na and don’t forget to be courteous and nice! Salamuch!

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry