Dear Tita Beth,

Paano ko ba makakalimutan yung ex gf ko?  We’ve been together all of our college life as friends then as lovers.  Halos sabay kaming umasenso mula sa kinalakihan namin na lugar ng kahirapan. Then nag training sya sa Japan for a year and pagbalik nya dito, nag iba na sya totally. 

Nang makipag break sya, pumayag ako dahil ayaw ko syang ihold back sa pangarap nya na di ko kayang ibigay.  after the break up she seemed so happy at lalong nag bloom. So I thought tama yung desisyon ko.  Pero after a year, hindi pa rin ako maka-move on.  Nilulunod ko na sarili ko sa trabaho, pero hindi pa rin sya mawala sa isip ko.

Ako itong lalaki, ako pa nagkakaganito. Parang unfair naman sa akin sobra. Iniinda ko pa pero siya po parang balewala ang lahat at ganoon kadali ako na wala na lang. Ganito ba talaga?

- Advertisement -

Ano pong gagawin ko, tita Beth?  Salamat sa payo.

Gabriel


Hi Gabriel,

Mahirap talagang mag move on kapag nakabuo na kayo ng pangarap for the future.  But there is nowhere to go but to move forward. 

Mangarap ka ulit. For yourself. For your future family. Hopefully, this will give you new direction, passion and motivation to live again. 

Hang out with old, true friends who can empower you. Meet new people and make new friends. Focus on yourself this time and what could benefit your well-being. 

Give yourself some time to grieve then move on.  I hope you get better soon, Gabriel! 

Previous articleE-Governance Program ng probinsya, nanguna sa online orientation ng StaySafe.ph
Next articlePanacan 2 in Narra set to become new barangay