Dear Tita Beth,

Meron pa po bang payo section ang PN na Dear Tita Beth? Kung meron pa ay gusto ko sana humingi ng payo niyo. Ako ay 15 years old, nag-aaral pa pero may boyfriend na ako. Pero ex na pala. Dito ako ngayon sa isang medyo may kalayuan na barangay at online class lang sa school. Madalang po kami magkita ng boyfriend ko ilang buwan na after magka pandemic. Kasi nga ay mahirap mag trip dyan sa Puerto at di rin ako basta payagan ng parents ko.

Yong ex bf ko kelan lang na find out ko may iba siya. Di ko sana malalaman kaya lang may nakapagsabi sa akin. Kaya pala ang dalang niya na ako tawagan at i-text man lang. Di ko naman nahuhuli pero sa mga ginagawa nya, ramdam ko na meron at niloloko nya ako.

Kelan lang tinatawagan ko siya pero di nya ako sinasagot na. Hanggang sa minsan may text siya, ang sabi lang nya “Break na tayo. Sorry”. Ganito lang sinabi niya. Ano daw yon? Wala man lang paliwanag basta break na lang kami?

Pa help, Tita Beth. Ano ba dapat ko gawin? Habulin ko ba siya? Parang kakahiya naman na habul habulin ko pa.

Ms. Jenalyn


Dear Ms. Jenalyn,

Yes, nandito pa naman itong column natin, so thank you sa pag reach out.

Di ko na siguro kailangang sabihin sayo na napakabata mo pa para magseryoso sa relasyon.  Alam mo na, pandemic pa ngayon kaya kailangan mong unahin muna ang mas mahalaga.  at ang mahalaga ay ang relationship mo sa family mo at ang paghahanda sa future mo through your studies.

so regarding sa boyfriend mo na finally ay nagparamdam, ano ba’ng gusto mong gawin?  magpatuloy sa LDR at no communication na relationship? 

Yamang nakipagbreak na sa ‘yo, e di move on ka na, girl.  alangan namang bumyahe ka pa para makipagkita sa kanya?! 

Nung makipagbreak sya sa yo thru text, ibig sabihin hindi sya honorable at gentleman enough para man lang kausapin ka regarding this. 

So wala kang hinahabol sa kanya, ate girl.  Ibaling mo na lang sa ibang bagay ang atensyon mo. 

wag habulin ang taong hindi worth ng oras at atensyon natin.  Pagbutihin ang sarili at i-treasure ang family relations.

Get better and stay safe, iha!

Love,
Tita Beth

Previous articleEDITORIAL: Governance challenges amidst the COVID-19 surge
Next articleEnrollment para sa 1st Semester sa PSU San Vicente campus nagsimula na