- Advertisement by Google -

Isang dating miyembro ng rebeldeng grupo na New People’s Army (NPA) sa ilalim ng Bienvenido Valleber Command (BVC) KLG-Palawan SRMA4E, ang sumuko sa awtoridad Biyernes ng hapon, Hulyo 15.

Ang sumuko ay kinilalang si Penis Culiotong Gapo, alyas Muktar, residente ng Sitio Matulungin, Purok IV, Barangay Malihud, sa bayan ng Bataraza.

Kasabay na isinuko ni Gapo ang isang rifle grenade na nasa kanyang pangangalaga noong siya ay kaanib pa ng makakaliwang grupo.

Si Gapo ay sumuko sa pakikipagtulungan ng Naval Forces West, Palawan Police Provincial Office, Marine Battalion Landing Team 4, 1st Palawan Provincial Mobile Force Company, at iba pang operatiba ng pulisya.

- Advertisement -

Sa report ng mga awtoridad, si Gapo ay dating full time member ng Pinagtabangang Kaundang-undangan et Palaw’an (PKP) at Samahan ng mga Katutubong Palaw’an sa Bagong Hukbong Bayan (SUPOK), isang underground mass organization na binuo ng NPA sa Southern Palawan taong 2014.

Sa kasalukuyan, si Gapo ay nasa kustodiya ng 4th Marine Company ng MBLT-4, sa Brgy. Sandoval.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleSolons propose fixed salaries for barangay officials
Next articleSuspek sa pamamaril sa Coron, hawak na ng pulisya
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.