Arestado ng mga awtoridad ang 34 taong gulang na si Rommel Garanganao sa kanyang tinutuluyan sa Brgy. 2 sa bayan ng Roxas matapos itong magtago dahil na rin sa patong patong na kaso nitong murder.

Si Garanganao ay residente ng Brgy. Paglaum sa Taytay, at dating miyembro ng Bienvenido Vallever Command ng New People’s Army (NPA) na nauna ng sumuko sa AFP noong 2020.

Ang pag-aresto kay Garanganao ay sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Anna Leah Tiongson-Mendoza, ng Branch 164 ng Regional Trial Court sa Roxas, dahil kasong murder, at dalawa pang kaso nang pagpatay na may kaugnayan sa Section 9 ng RA 10591, o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act.

Walang inilaan na piyansa para sa suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng Marine Battalion Landing Team-3.

About Post Author

Previous articleCSC reminds gov’t offices not to solicit gifts for Christmas parties
Next articleMga iskolar ng bayan ng Brooke’s Point, nagpakitang gilas sa sports
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.