Ang nagrereklamo na si Asiscla P. Albon laban sa dating kapitan ng Barangay Montible

                                                                                         
                                                                                                 
Sinampahan ng kasong carnapping ang dating kapitan ng Barangay Montible na si Henrieta L. Balingit sa City Prosecutor’s Office, noong Miyerkules, Setyembre 29. 

Sa report mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay sinasabi na tinangay diumano ni Balingit ang sasakyan ng complainant na si Asiscla P. Albon pagkatapos makisuyo ang huli na ihatid siya sa airport mahigit isang taon na ang nakalilipas.

“Nakisuyo ang complainant na si Albon sa suspek na magpahatid sa airport gamit ang sasakyan na Mitsubishi Delica. Expected niya na ibabalik ang sasakyan sa lugar ng biktima at saka ang susi. Pero umabot na ang mahigit isang taon, hindi pa daw binabalik ang sasakyan,” Pahayag ni CIDG chief P/Maj. John Macachor,

Sinubukan din daw na makailang beses makausap nang nagrereklamo ang suspek para ibalik ang sasakyan ngunit bigo ang mga ito na naging dahilan at nag-udyok para sampahan na ito ng kaso.

- Advertisement -
Previous articleMonitoring ng mga dumarating sa pantalan ng Balabac ipinaubaya muna ng MDRRMO sa PCG
Next articleMag-ama naaksidente sa Brgy. San Jose sa bayan ng Roxas
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.