Makikita sa larawan sa kaliwa si dating El Nido councilor Joel David Rosento habang kusang isinusuko ang kanyang mga baril ngayong araw ng December 15, 2021, sa tanggapan ng CIDG. (Photo courtesy of CIDG)

Personal na isinuko ni dating El Nido councilor Joel David Rosento nitong Miyerkules sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang ilang mga armas na nasa pag-iingat nito.

Sa apat na baril na na-revoke ang lisensya ay tatlo lamang ang kusang isinuko ni Rosento dahil ang isa umano ay nawawala, ayon sa ulat ng CIDG.

Na-revoke ang mga lisensya ng mga baril ni Rosento bunsod ng isang insidente kung saan nahuli umano ang isa sa mga tauhan ni Rosento na dala ang baril na nakarehistro sa kanya.

Ang mga baril na isinuko ni Rosento, na tatakbo bilang konsehal sa El Nido, ay isang shotgun cal. 12GA, cal. 45 Armscor, at cal. 45 Glock.

- Advertisement -
Previous articleNorthern Palawan under typhoon Signal No. 1
Next articlePALECO activates response plans as Odette nears Palawan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.