Mga larawan mula kay Ronil Cantor.

 

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Isang lalaking dati nang sumuko dahil sa droga ang muling inaresto sa bayan na ito matapos makabili sa kanya ng shabu ang isang undercover agent ng pinagsanib na puwersa ng Palawan Drug Enforcement Unit (PDEU) at Sofronio Española Municipal Police Station (MPS).

Kinilala ang naaresto na si Allan Balao, alyas Lan, 45, at residente din ng nasabing lugar. Nahuli ito sa Purok Gumamela, Barangay Pulot Shore noong August 21 dahil sa 11 plastic sachet na may hinihinalang shabu bukod pa sa isa na nabili sa kanya sa buy-bust.

“Dati na siyang surrenderee at bumalik uli sa pagtutulak ng droga dito sa [Sofrono] Española,” ayon sa imbestigador ng kaso na si P/SSg. Noel Fabrigas

Nakuha din sa kanya ang ginamit na marked money na dalawang tig-iisang libo at isang limang daang peso.

Hawak na ito ng awtoridad at mahaharap si Balao sa kasong paglabag sa Republic Act no.9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

 

About Post Author

Previous articleMay-ari ng kalabaw, nasawi sa aksidente habang nagpapastol
Next articleIwahig Corrections Facility to launch ‘Dalaw Tawag Center’
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.