Dalawang lalaking wanted sa kasong pang-aabuso ng menor de edad ang dinakip ng awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa mga bayan ng Quezon at Bataraza nitong araw ng Huwebes, Enero 27.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Arsenyo Ustam Sigca at Saraman Attan Sali.

Unang inaresto ng mga operatiba ng Rizal Municipal Police Station (MPS) si Sigca, 30 taong gulang at residente ng Barangay Alfonso XIII, Quezon.

Si Segka ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Jocelyn Sundiang Dilig na may petsang November 17, 2021, sa kasong paglabag sa Section 5(b) ng RA 7610 o pang aabusong sexual sa menor de edad. Naglaan ang korte ng piyansang P120,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.

- Advertisement -

Sa bayan ng Bataraza, inaresto naman ng Bataraza MPS, katuwang ang iba pang unit ng pulisya, sa Brgy. Marangas ang 52 taong gulang na si Sali sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Ramon Chito Mendoza ng Brooke’s Point RTC Branch 165 na may petsang July 4, 2018, para sa kasong statutory rape by carnal knowledge o panggagahasa ng isang menor de edad. Walang piyansa na nakalaan para sa pansamantala nitong kalayaan.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Previous articleRep. Acosta visits Odette-hit barangays, distributes aid to families
Next articleLGUs outside NCR to decide on ‘no vax, no ride’
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.