Larawan mula sa Roxas MPS

Dalawang lalaking wanted ang inaresto ng awtoridad sa Barangay 2, bayan ng Roxas, nitong araw ng Miyerkules, Marso 24.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Arnold Anoras Aiso, 46 taong gulang, at Arwin Moreno Aiso, 20 taong gulang, kapwa residente ng Brgy. Minara sa nasabing bayan.

Ang dalawa ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Roxas Municipal Police Station (MPS) at 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company (2nd PPMFC) sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Paul B. Jagmis Jr., ng Branch 95 ng Regional Trial Court ng Roxas, Palawan, para sa kasong attempted murder sa ilalim ng criminal case number 41974, at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P120,000 bawat isa.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Roxas MPS para sa kaukulang disposisyon.

- Advertisement -

Previous articleAVPP prelate cautions voters on fake news, revisionism
Next articleAntazo plans to establish oil depot if elected mayor of Puerto Princesa
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.