Dalawang lalaking wanted sa batas ang nadakip ng awtoridad sa magkahiwalay na operasyon, araw ng Linggo, October 3.
Unang inaresto ng mga operatiba ng Taytay Municipal Police Station (MPS) si Leobert Biñas Tacuyan, 22 taong gulang at residente ng Barangay Calawag.
Si Tacuyan ay inaresto sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Judge Romulo A. Beronio ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) for Taytay and San Vicente, Palawan na may petsang July 28, 2021, para sa kasong direct assault at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa bayan ng Brooke’s Point, inaresto ng operatiba ng Brooke’s Point MPS sa Brgy. Pangobilian si Alfonso Padon Parangue, 35 taong gulang at residente ng Sitio Cabar, Brgy. Aribungos ng nasabing bayan.
Si Parangue ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Ramon Chito Mendoza ng Brooke’s Point Regional Trial Court Branch 165 na may petsang September 9, 2021, para sa kasong paglabag sa Republic (RA) 9175 o ang Chain Saw Act of 2002, at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P48,000.
Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.
